ANO BA ANG UNA MONG DAPAT MATUTUNAN BAGU KA MAG INVEST
ANO BANG IBIG SABIHIN NG “MAG-INVEST”?
Maraming depinisyong maaring ibigay, pero sa madaling salita, ang pag-iinvest ay ang paglalagay ng pera sa mga posisyon at instrumentong maari itong kumita at lumago. Ito ay ang matalino at masinop na paggamit ng pera upang ang pera ay kumita ng higit pang pera, sa gayon, ang pera mo ay nagtatrabaho rin para sa iyo. Sabi nga namin, “the smart money is the money working hard for you, for your richer life.”
Ang pag-iinvest ay ang pagpapatubo ng pera sa mga paraang hindi kailangan aktibo kang nagtatrabaho para dito.
BAKIT DAPAT MAG-INVEST?
Maraming pwedeng dahilan at motibasyon kung bakit. Pansarili, pampamilya o panghinaharap. Bigyan lamang kita ng tatlong dahilan:
Inflation.
Sa panahon ngayon ay mataas ang inflation. Ito ay ang pagtaas ng mga bilihin at presyo ng mga bagay-bagay. Nagmamahal ang mga bagay-bagay sa takbo ng panahon. Hindi ito maiiwasan. Dati nasa 2% to 4% ito kada taon pero ngayong 2018, pumapalo ito sa 6%. Sa pagmahal ng mga bilihin, ang P1000 mo noon ay hindi kasing-halaga ng P1000 ngayon. Maraming mabibili ang P1000 noon kumpara sa mabibili sa P1000 ngayon.
Kaya naman, kung itatabi mo lang ang pera mo sa bangko na kikita ng mababa pa sa 1% na interest kada taon, mauubos lamang ang purchasing power nito dahil ito’y lumalago ng < 1% pero nauupos ng ~6% kada taon. Lugi ka na agad ng 5%. Ang layunin ng pag-invest ay kumita ang pera mo ng higit pa sa inflation, o higit pa sa 6% sa mga panahon ngayon. Ang layunin ng pag-iinvest ay mas mabilis itong lumago kasya sa inflation. Retirement at compounding.
Sa pagtanda natin, mahirap umasa sa mga anak natin para tustusan tayo lalo na kung retired na tayo at wala nang sariling pagkukunan ng pera. Tayo nga hirap na palaguin ang kita, sila pa kaya pagdating ng panahon. Hindi mo rin maaaring asahan ang SSS o GSIS dahil kakarampot ang makukuha mong halaga mula rito. Ngayon pa lng sinasabi ko na sa’yo na hindi yun sasapat. Kaya naman, panahon na upang wakasan ng mga Pinoy ang vicious cycle na tumatanda na walang sariling o sapat na retirement fund!
Kaya dapat, may sarili kang retirement fund na binubuo mo kahit 21 years old ka pa lang (hinulaan ko lang pero kahit ano pang edad mo, dapat ka mag-invest!). Ang punto eh habang maaga pa, dapat tayong mag-ipon at mag-invest dahil ang panahon o time ay isa sa krusyal na sangkap ng investments. Sa pagtagal ng panahon, ang maliit na halagang ni-invest mo ay maaring lumaki lalo na kung bibigyan ito ng mas mahabang panahon at hahayaang mag-compound ang income.
Ano ang konsepto ng compounding? Ito ay kung saan ang interest o kita ng investment mo ay na-iinvest muli para kumita pa ng mas malaki. Kumbaga sa negosyo, umiikot ang kita. Hindi yung kumita nga, nagastos naman sa mga bagay na walang income potential.
Simpleng halimbawa, nagtanim ka ng puno ng mangga. Mula sa isang buto na naging puno, namunga ito ng marami at itinabi mo ang 100 na bunga. Itinanim mo ang 100 na buto mula sa mga bunga na naani mo. Paglago ng mga iyon, may 101 puno ka na. Pagtagal, sa bawat 101 na puno, namunga muli ng marami at nagtabi ka ng 100 na buto bawat isang puno! Boom! Kung itatanim mo ulit ang mga ito, meron ka nang 10,201 na puno! Mula lamang sa isang buto na pinalago mo sa pagdaan ng panahon. Compounding! Exponential!
Kung binenta mo lahat ng mga bunga at hindi mo pinaikot, panay isang puno lang ang aasahan mo. Pero kung paiikutin ang pera, mas mabilis ang paglago sa pamamagitan ng compounding.
PARA MAS MAGINHAWA ANG BUHAY.
Kung marami kang empleyado na nagtatrabaho para sa iyo, malamang big time ka na. Pautos-utos na lng, pero ang kita sa trabaho nila, kahati ka. Baka nga mas malaki pa share mo kasi ikaw may-ari. Gayundin, kung marami sa pera mo eh nagtatrabaho para sa iyo sa samu’t saring investments, aba eh hayahay ang buhay kinalaunan. Malamang magtatrabaho ka pa rin sa kung saan man para hindi ka ma-bore, pero hindi ka rin stressed at pagod na kailangang kailangan mo yung pera. Hindi mo kailangang kumayod ng bongga araw-araw dahil alam mong ang pera mo ay nagtatrabaho para sa iyo. May katulong ka sa pag-asenso.
Kung titingnan mo ang mayayaman, oo maaring may trabaho rin sila, o malamang may negosyo, pero karamihan sa mayayaman ay hindi lamang iisa ang pinagkukunan ng kita. Pare-pareho tayong may 24 oras kada araw pero mas malaki ang kita nila dahil marami silang pinanggagalingan ng kita — passive income mula sa investments. Hindi kailangan magpakamatay sa pagtatrabaho para sa pera. May mas mainam at mas wais na solusyon — pagtrabahuhin mo ang pera mo.
Hindi rin solusyon ang maraming anak para may kaagapay ka sa pagtatrabaho. Ang kailangan, maraming pera na kumakayod para sa iyo.
PAANO MAG-INVEST?
Mag-aral at mag-ipon.
Bago mo isugal ang pera mo, dapat alam mo ang ginagawa mo. At dapat may pagkukunan ka ng kita mo. So kung may trabaho ka, mag-ipon ka muna. Hindi pwedeng bara-bara, isusugal na agad ang kaunting naipon (ginawa ko ito dati haha!). Huwag magmadali (ako rin ito dati), pero huwag din magsayang ng oras. Habang nag-iipon ka, mag-aral. Basahin mo lahat ng articles sa website na ito. Madaling matutunan ang iba, at hindi kailangan magaling sa Math!
Pansin ko sa mga tao sa social media, mahilig magtanong pero tamad. Huwag mo sila gagayahin ha. Mas madali turuan at mas masarap kausap yung alam mong kahit papano eh nagresearch at nagbasa man lang. Maraming pwedeng pag-investan ng pera mo, depende sa OHA mo — objectives, horizon at appetite. Kung ano ang OHA,
Kaya naman, payo ko sa’yo, basahin mo lahat ng articles namin dito. Kung hindi alam saan mag-sisimula dahil marami, napaghandaan na namin yan! Magsimula ka sa aming Newbie Guide. Isa-isahin mo yan. Pag may tanong, usap tayo kapatid!
Kailangan mo ng trabaho o negosyo para may pagkukunan ka ng pangtustos sa araw-araw na gastusin. Bago mag-invest, kailangan may ipon ka. Dahil kung may ipon ka, ibig sabhin:
Kaya mong buuin ang emergency fund mo. Back-up mo ito para sa emergencies, para hindi mo kailangan ibenta ang investments mo kapag nagkagipitan.
Kung may ipon ka, ibig sabihin may extra ka. Ibig sabihin, hindi ka gipit na gipit. Hindi ka naghihikahos. Kasi kung sakto lang ang kita mo para sa mga gastusin (maraming ganito sa Pinas), hindi ka pa pwedeng mag-invest. Kailangan mo munang bawasan ang mga gastusin mo at palakihin ang kita mo para magka-extra, na magiging ipon, na pang-invest mo ‘pag nagtagal. yan pare ko.
Disiplinado ka sa pera. Importante yun.
Magsimula sa basics.
Pagkatapos mong maka-ipon, pwede mo na simulan mag-invest. Una mong gagawin ay mag-open ng account sa bangko. Kahit anong bangko, pero maganda yung madali mong mapuntahan. Kasi kung may bank account ka na, pwede ka na rin mag-avail ng mga investment options na offer nila pag tumagal.
Pagkatapos mo magbukas ng bank account, dun tayo sa basics.
Maraming options for investment, yung mejo low risk ay yung mga high yield deposits gaya ng Pag-ibig MP2, pwede rin yung mga corporate bonds o retail treasury bonds. Sa mga ito, malaki ang chance na mas malaki ang kita mo kaysa sa inflation rate at mababa ang chance na malugi o mabawasan ang kapital mo, assuming tatapusin mo yung term ng investment. Basahin mo lang yung mga sumusunod basahin isa-isa para mas malinawan ka kung ano yung mga ito:
Pag-ibig MP2 (minimum P500 per month, 5-year term)
Corporate bonds (minimum P50K one-time, 3, 5, 7 year term)
Retail treasury bonds (minimum P50K one-time, 3, 5, 7 year term)
LTNCDs (minimum P50K one-time, 3, 5, 7 year term)
Sa mga ito, halos guaranteed ang interest (kahit paiba-iba ang rate) pero below 10% lang yan usually. Medyo long-term din ito, 5 years pataas kadalasan. Isipin mo parang time deposit pero di hamak na mataas ang kita. Isipin mo rin, hindi mo ito pwede i-withdraw kaya importante na extra money mo ito. Kung nagkataon na wala ka emergency fund at savings dahil ni-invest mo lahat, eh lagot pag nangailangan ka. Para mo na ring binunot yung 100 na puno ng mangga na hindi pa namumunga. Saklap!
Proteksyon mo at ng pamilya mo.
Matapos mo aralin at subukan yang mga nasa itaas, time to protect your self and your income. Bakit? Kasi pag nawala ka, kamusta naman yung mga pinapakain mo, kung meron man? Kung may taong umaasa sa iyo, consider insurance. May insurance na purong insurance lang na may makukuha pamilya mo kapag namatay ka na, merong insurance na may investment din para may makuha kang halaga kahit hindi ka pa patay, pang tuition, panghulog sa bahay, pag-nagkasakit ka, etc, tapos may bonus ka kapag namatay. Bakit mahalaga ang insurance? Dahil sa libong itatabi mo sa kanila, posibleng milyon ang kapalit kapag may nangyari sa’yo. Kung kailangan mo pa ng pangkumbinse, heto i-click mo: KAISER LONGTERM HEALTHCARE : Why You Need Insurance?
Aralin pa lalo yung investments na mas malaki ang kita.
Yung medyo higher risk ay yung UITF / Mutual Funds at mas lalo pa yung stock market. Sa mga ito, pwedeng mabawasan yung kapital na nilagay mo at malugi. Gaya ngayon laki ng lugi sa merkado, bagsak ng 2%, isang araw pa lang yun ha! Pero kung magagawa ng tama, posibleng 10% per year o higit pa kikitain mo dito. Siyempre hindi guaranteed gaya nung nabanggit sa taas.
Sa UITF / Mutual funds, ibibigay mo lang yung pera mo sa bangko o sa fund manager, sila mag-iinvest para sa iyo. Yung investments na ito, iipunin nila yung maliliit na halaga na bigay ng publiko at iinvest din nila sa mga bonds na nabanggit sa taas, o sa stock market na dadaanan ko mamaya. Bago ka naman mag-open ng UITF/ mutual fund ay ipapaliwanag pa nila ng mas malalalim ito sa’yo. Heto ang ilan pa naming articles ukol sa UITF at mutual funds. Sa paborito mong bangko pwede ka magtanong ukol dito. Siyempre, dahil sila ang mag-manage ng pera mo, may mga commission at service charges sila.
1% lang ng mga Pinoy ang may pera sa stock market kaya’t hindi dapat ito pinapasok basta-basta. Mas puspusan pang aral ang kailangan kung maglalagay ka ng pera sa stock market. Karamihan sa maliliit ang puhunan, online account ang gamit sa pagbii at pagbenta ng stocks sa market. Pwedeng BDO Nomura, BPI Trade, First Metro ng Metrobank, COL Financial at marami pang online trading platforms. Sa stock market, nagkakaroon ng pagkakataon ang maliliit na investors na gaya natin na magmay-ari ng sapi o shares ng mga kumpanyang nakalista sa PSE, mga malalaki at maliliit na kumpanya. Maganda di ba?
Ang palitan ng mga shares na ito ay market driven, meaning kung anong halaga ang tingin ng mga buyers o sellers (na pag pinagsama mo ang tawag ay market), kung anong mapagkasunduang halaga ng buyers at seller ay yun anf share price ang masusunod for that transaction. Hindi na mahalaga kung paano nila na-compute kung ano man ang halagang iyon, o kung ano mang alam nila na hindi natin alam. Basta, willingness to buy at willingness to sell lang, base sa konsepto sa economics. Multiply this sample transaction a thousand times, yung ang isang trading day sa stock market.
Kung tingin ng seller ay 960 per share ang halaga ng shares ng SM, at merong buyer na nais bumili nito sa 960, yung ang share price nya sa puntong iyon. If merong willing na bumili ng 970, 980 o kung magkano man dahil tingin nya ay masyadong mura at undervalued ang SM sa 960, o dahil may alam syang mas magpapataas sa value nung company, then aakyat ang share price ng SM to 970 o higit pa. If tingin naman ng isa, palugi na si SM (sample lang ha) at gusto na nya makabenta sa lalong madaling panahon, as in now na, eh baka ibenta nya ito ng 900 para lang maubos na agad ang hawak nya.
Kumikita ang investment kapag nakabili ka ng mura at umakyat ang presyo tapos binenta mo. O kaya naman nakatanggap ka ng profit-sharing mula sa kumpanya, also known as dividends. Lugi ka kung mahal mo nabili tapos boom! bumaba ang presyo tapos binenta mo. Kung umakyat o bumaba na ang preyo pero hindi ka pa nagbebenta, paper gains o loss ang tawag dito. Meaning pwede ba madagdagan o mabawasan sa mga susunod na araw yung gain o loss mo. Depende rin sa appetite mo kung gaano mo katagal hahawakan ang isang stock na meron ka. Depende rin sa kaaalaman mo kung magiging investor ka ba o trader. Karamihan nagsisimula bilang invetsor (Long-term, focused sa fundamentals)
May investment na low risk at high risk. Aralin mo mabuti. Dapat meron ka pareho pero balanse. Ang iinvest mo lamang ay perang hindi mo kakailanganin sa lalong madaling panahon. Yung perang kaya mong mawala sa’yo, yun lang ilagay mo sa high risk. Mas maganda rin kung magsisimula ka sa habang madaling panahon. Mas malayo from retirement age, mas maganda.
Mas mainam rin na hindi lang isang bagsak then tapos na. Mas maganda kung buwan-buwan na may extra ka eh mag-invest ka sa napakaraming options. Build it slowly but surely.
Mag-ingat sa mga scam. Kung masyadong mataas at “garantisado” kuno ang kita sa mga investment, malamang scam yan. Sa investments, walang sigurado, lalo na yung malaki masyado ang kita. Anong definition ng malaki? Double-digit gain guaranteed in a matter of days. Red flag na yan. I-google muna ang naturang investment para malaman kung may negative feedback sa investment na yun.
Huwag mong isipin na normal na Pinoy ka lang kaya alien sa iyo ang investment. Alien sa maraming Pinoy ang investments dahil hindi ito tinuturo sa school, unless Finance o business related ang kurso mo. At malayo pa tayo sa puntong financially literate ang mga fresh graduates natin. Maraming Pinoy ang hindi aware sa investments dahil nililimitahan nila ang sarili nila, iniisip nila na mahirap ito, pang-mayaman lamang ito, na hindi nila ito maiitindihan. Oo kailangang aralin pero lahat ng kailangang malaman nasa internet na, nasa website na ito. Kailangan lamang basahin at unawain. Kailangan paglaanan ng oras, dahil kinabukasan mo ang nakataya dyan.
Ang mga ordinaryong Pinoy mismo ang lalong dapat mag-invest dahil mas kailangan nila ng tulong para yumaman, kaysa yung mayayaman na. Kahit sinong Pinoy na may extrang ipon ay dapat na mag-invest. Bawat Pinoy na sagad at sakto lang ang kita sa ngayon ay dapat magtipid pa lalo at palakihin ang kita upang eventually, makapag-invest sila. Lahat ng Pilipino dapat nag-iinvest. Hindi na sapat ang hard work ngayon, kailangan smart work din
Sana ay nakatulong sa iyo ang sagot kong ito. Huwag mag-atubiling magtanong kung mayroong mejo malabo, message mo lang ako sa Facebook. Sabi nga ni Susan, huwag mahihiyang magtanong.
Panghuli, rekomenda ko sa’yo ang librong to #This Book Will Upgrade Your Financial Life at promise, matututo ka. Hindi ako nahihiyang i-advertise, dahil alam kong malaki ang maitutulong nito sa mga Pinoy.
Kaiser International Health Group Inc. is registered as a health care provider. Kaiser is far more than an HMO. While most HMOs cater to both group and individual accounts, Kaiser's product is geared to address the long-term health care needs of individuals especially after their employment and retirement years. It will provide you a healthcare coverage beyond 60 years old.
Kaiser is duly accredited with the Department of Health (DOH). Kaiser is likewise, registered with the Securities and Exchange Commission (SEC) on June 08, 2004 as a Health Care Provider with an Authorized Capital Stock of Php 160M.
International Marketing Group (IMG) is the exclusive broker of Kaiser Healthcare products.
KAISER MEDICAL CENTER CLINIC
LOCATIONS:
*Makati
*SM Cebu
*Mactan Cebu
*SM Seaside Cebu
*Rosario Cavite (EPZA)
*Robinsons Place Manila
*SM Sta. Rosa Laguna
*Robinsons Galleria
*SM North EDSA
*SM San Pablo Laguna
**10 more medical centers will open this 2020.
BENEFITS OF KAISER 3 IN 1
LONGTERM HEALTHCARE
Ang mga traditional HMO (Health Maintenance Organization) ay short-term lang. Magbabayad ka ng annual premium for a certain healthcare coverage. Magamit mo ito or hindi ay babayaran mo pa rin every year kung gusto mong ipagpatuloy ang healthcare coverage.
Sa Kaiser, puwedeng maging short-term at long-term. Kung nag-avail ka nito at biglang nagkasakit magagamit mo ang healthcare benefits. Paano naman kung hindi magamit? Okay lang! Dahil si Kaiser ay long-term healthcare din kung saan ang hinuhulog mo ay hindi masasayang at magagamit mo pa rin in future needs.
INSURANCE
Sa traditional HMO (Health Maintenance Organization) kapag sinabing healthcare ay Pure Healthcare lang.
Sa Kaiser, hindi lang siya basta healthcare. May Life Insurance coverage din na kung saan ay protected ang pamilya.
Halimbawang may mangyari sa policy holder ay makakatanggap ang beneficiaries nito ng instant money mula sa Insurance Company.
Bukod pa doon ay may Waiver of Installment due to Death, Waiver of Installment due to Total and Permanent Disability at Transfer of Kaiser Policy to the Principal Beneficiary.
INVESTMENT
Bukod sa healthcare at life protection, ang kaiser ay may investment din.
Kung healthy ka at hindi mo nagagamit ang healthcare coverage bibigyan ka pa ng BONUS ni kaiser sa Maturity ng iyong 3-in-1 Saving Plan.
Makukuha mo ang lump sum sa 20th year ng iyong plan. May option ka rin na i-retain lang ito upang lumago pa ang pera mo.
Imagine? Nag-save ka lang sa loob ng 7 years may makukuha kang malaking halaga sa Maturity Period ng Saving Plan mo. Para ka ring may pension na pwede mong kuhanin buwan-buwan dahil good as cash itong investment mo.Bukod sa healthcare at life protection, ang kaiser ay may investment din.
Kung healthy ka at hindi mo nagagamit ang healthcare coverage bibigyan ka pa ng BONUS ni kaiser sa Maturity ng iyong 3-in-1 Saving Plan.
Makukuha mo ang lump sum sa 20th year ng iyong plan. May option ka rin na i-retain lang ito upang lumago pa ang pera mo.
Imagine? Nag-save ka lang sa loob ng 7 years may makukuha kang malaking halaga sa Maturity Period ng Saving Plan mo. Para ka ring may pension na pwede mong kuhanin buwan-buwan dahil good as cash itong investment mo.
Ang mutual fund ay isang investment kung saan maraming tao ang nagtitipon-tipon ng pera para mag-invest sa assets tulad ng stocks, bonds, money market, at iba pa. Ang mga fund na ito ay pinangangalagaan ng mga propesyonal na money managers at ang layunin nila ay iinvest ang resources ng fund upang kumita ng pera para sa mga shareholders. Ikaw ay magiging shareholder kapag nag-invest ka sa isang mutual fund gamit ang pagbili ng kanilang shares.
PAANO MAG INVEST SA MUTUAL FUND
Ang Mutual Fund ay isa sa pinakamagandang PASSIVE INCOME sa balat ng lupa kahit natutulog ka anuman ang gawin mo sa buhay mo kahit busy ka sa isang ibang bagay kikita at kikita ka parin dito ang pera ang nagtratrabaho para sa inyo. Unang una bago ka magsimula maginvest dito kelangan mo muna malaman kung ano ba ang mutual fund bago ka maginvest dito alam mo dapat ang proseso nito ang mutual fund ay may ibat-ibang flavor din na pwede mong pagpilian pero kelangan mo maghintay ng buwan o taon dito.
Para makapagsimula ka maginvest dito kelangan mo muna malaman ito, Ito ay pinagsamasamang pera ng lahat ng investors na kinokolekta ng isang professional fund manager at siya mismo ang magpapasya kung saan niya ito ilalagak para kumita ang mga pera na ininvest ng mga investor. Para itong sasakyan sabihin nalang natin ang jeep lahat tayo sumasakay dito hindi lang tayo iisa na sumasakay dito marami tayo at may kanya-kanyang destinasyon na pupuntahan.
Pero iisa lang ang ating driver at siya mismo ang nagpapatakbo nito tayo ang mga pasahero o investor ipinabaubaya natin sa fund manager o driver ang pagpapatakbo ng sasakyan o ng market. Kung ikaw mismo ang driver ng isang sasakyan at hindi mo alam kung paano magdrive at hindi mo rin alam kung saan ka pupunta hindi mo naiintindihan ang ginagawa mo maaari kang mabangga o makabangga hindi ka makakarating sa destinasyon na pupuntahan mo kung hindi mo naiintindihan ang ginagawa mo. Itoy mabisang paraan sa mga baguhan sa Stock Market.
Sabihin nalang nating direct investor ka ikaw mismo bumili ng stocks at nagbebenta ka ng hindi pa naaayon sa market siguradong lugi ka may kaakibat itong pagkalugi risky ito. Kung ikaw ay baguhan o wala kang sasakyan pero gustu mo makarating sa destinasyon mo kelangan mo sumakay sa jeep at magbayad sa driver ganun din sa mutual fund ang driver o fund manager ang magdedesisyon kung liliko sa kanan o kaliwa nasa iyo na kung gusto munang bumaba o huminto dito.
Pero mas maganda rin kung long term din ang gagawing mong pagiinvest dito karamihan sa mga kababayan natin namulat tayo ng ating mga magulang kung paano mag-ipon sa banko hindi ito masama maganda itong paraan para matuto tayo magipon. Pero kung mamumulat tayo sa katotohanan ang pag-iinvest sa mutual fund ay napakalaking pagkakataon upang lumago ang ating pera ng malaking porsyento. Kung ilalagay mo ito sa banko magkano lang ang kikitain ng pera mo dito .25% 1%, 2% annually ilang taon pa ang bubunuin ng pera mo sa banko bago ito dumoble.
Kung naglagay ka ng pera sa banko ilalagay din nila ito ng banko sa mutual fund para tumubo din ito ng malaki sila ang kumita hindi ikaw kung ilalagay mo lang ang pera mo sa banko, Sa mga ibang mayayaman na tao ginagawa lang nila nag-iiwan lang sila ng emergency fund o ng sapat na pera sa banko in case na kailanganin nila, Pero sa totoo lang lahat ng pera nila ay nakalagay sa mutual fund dahil kumikita ng malaki ang pera nila dito dahil sa compounding interest.
Sa history ng pilipinas may mga banko na nagsara pero sa history ng mutual fund wala pang nagsasara isa itong dahilan kung bakit ang mayayaman lalong yumayaman sikreto ito ng mga bilyonaryo sa pilipinas. Ito ang power ng mutual fund kapag long term ang pagiinvest mo aabutin ito ng milyon dahil sa power ng Compounding Interest. Mahalaga ang may alam ka sa financial literacy kung maginvest ka sa mutual fund hayaan mo ang professional fund manager sa pera mo sya na ang bahala na magpalago nito kung wala ka idea sa direct stock market lehitimo ito. Ang kelangan mo nalang gawin matulog, maghintay na lumago ang pera mo napaka basic nito pero marami sa ating mga kababayan ang hindi nila alam ito. Kaya isinulat ko ito para makapagshare ng kahit kaunting nalalaman ko narito ang mga flavor ng mutual fund na pwede mong pagpilian para makapaginvest ka.
1.MONEY MARKET FUND
Kung gusto mo ng mabilisan na byahe ayaw mo ng longterm invest mo dito less risky ito pero maliit lang ang return of investment.
2. BOND FUND
Kung gusto mo ng medyo matagal na mabilisan na byahe ng kaunti ito bagay sayo ipapahiram ang pera mo sa banko o anumang uri ng company medyo less risky din ito pero medyo malaki ang return of investment ng kaunti kesa sa money market fund.
3. BALANCE FUND
Kung gusto mo naman ng medyo malakihang kita kesa sa bond fund at money market fund ito ang bagay sayo medyo risky ito ilalagak ang pera mo nito sa bond at stock medium term lang ito.
4. EQUITY FUND
Ito ang magandang investment para sa mga long term investment 5years o 10years kung naiintindihan mo naman ang risk nito sigurado naman na kikita ka dito as long as na tuloy tuloy ang pagiinvest mo dito.
PHILEQUITY FUND INC.
PHILAM STRATEGIC GROWTH FUND INC.
PHILIPPINE STOCK INDEX FUND CORP.
METRO EQUITY FUND.
SUNLIFE PROSPERITY PHIL. EQUITY FUND INC.
FIRST METRO SAVE AND LEARN EQUITY FUND INC.
PHILEQUITY PSE INDEX FUND INC.
UNITED FUND INC.
ATR KIMENG EQUITY OPPORTUNITY FUND INC.
Ilan lamang ito sa mga kumpanya na mayroong mutual fund puntahan nyo lang ang kanilang mga website I click nyo lang ang kanilang contact us lalabas na ang email address nila numbers, office address o kaya naman ay bisitahin ninyo ang kanilang opisina personal at magtanong kayo kung papaano ang inyong gagawin. Sana makatulong sainyo ang kaunting impormasyon na ito magsimula na tayo habang may panahon pa upang lumago an ating mga pera at makamtan natin ang financial freedom. Maganda kasi habang tumatagal ang pera mo sa mutual fund lumalaki ang pera mo dahil sa power ng Compounding Interest.
MOST 18: Multiple Option Super Term Life Insurance
General Information
I’m an active member of IMG since 2012. If you’re not familiar with IMG, it stands for International Marketing Group. And they’re a Philippine-based global company whose mission is promote financial literacy among Filipino families.
Furthermore, IMG is also a financial distribution company. They are partnered with many institutions and runs a financial center for its members, where they can get different products and services at a huge discount.
These products include health insurance, mutual funds, life insurance, and many other financial products and lifestyle services.
IMG is among the first to offer a long-term healthcare insurance product in the country, the Kaiser Ultimate Health Builder Plan. A product that many life insurance companies would later copy.
And early this year, IMG once again launched a product like no other in the market. A life insurance product that I’m proud to tell you about today.
It’s called the MBLife MOST 18.
MBLife MOST 18 is a term life insurance product with PDF or Premium Deposit Fund. MOST stands for Multiple Option Super Term and it’s a life insurance product that covers you for 18 years, thus the name MOST 18.
It’s a product by Manila Bankers Life Insurance Corporation, and launched in partnership with IMG to provide Filipino families with an affordable, renewable term life insurance with a zero-risk savings and investment component.
What exactly is MBLife MOST 18?
It is a term insurance product with 18 years coverage.
Life insurance provides financial protection for your family. And among the many types of life insurance out there, term insurance is the most affordable.
How affordable is it? For a 30-year old, the annual premium would only be P5,710 for a P1 million coverage. Again, you only have to pay P5,710 per year (not per month, not per quarter) and you’re already insured for P1 million.
It has an optional savings and investment component.
What makes MBLife MOST 18 unique is that you can choose to pay more than your annual premium. And the excess cash that you pay will go to a PDF or Premium Deposit Fund.
The PDF is like a savings account. You can put more money there anytime you want. And you can also withdraw your money from it any time you need it.
But better than a savings account, the amount in your PDF can also earn additional cash for you because the company can invest it for you.
For example, if you paid P8,710 instead of P5,710 for a particular year. Then the excess P3,000 will go to your PDF.
The following year, because you have P3,000 in your PDF, you can choose to just pay P2,710 to pay for the annual premium of your life insurance.
But let’s say that the market was good during the year, and the P3,000 in your PDF earned and became P3,710 in value. Then you’ll only need to pay P2,000 for next year’s annual premium.
Confused? Here’s an illustration
From our earlier example, the annual premium of a 30-year old with P1 million coverage is P5,710.
For the first year, there’s an additional one-time policy fee of P500. But for the next 17 years, the annual premium will be fixed at P5,710.
As the table shows, you were contributing P12,000 every year for the first five years. This is more than your annual premium. So the excess cash is going to your PDF.
For this illustration, we assume that the PDF investment consistently earns 4% every year. This is the rate your money that’s invested inside your PDF is growing every year.
On the 6th year, you suddenly needed P20,000 for a personal expense. Since your PDF is worth P29,113 during this time. You have the option to withdraw from it, which you did.
On the 7th year, times were difficult and your budget is tight. But because the value of your PDF can cover the annual premium. You have the option to not pay that year. And that’s exactly what you did.
Then starting on the 8th year, you chose to contribute P20,000 for the next five years. This grew your PDF amount significantly.
It grew so much that you didn’t have to contribute anymore because the PDF can already cover your annual premiums until the 18th year of the policy.
Interestingly, during the 16th year, on your 45th birthday, you chose to withdraw P40,000 from your PDF to use for your birthday party. Which is totally okay because your PDF is worth P71,661.
And this is how MBLife MOST 18 works.
List of Features and Benefits
1. Affordable. It’s a term life insurance. The most affordable type of life insurance.
2. Higher Fund Value. PDF allows higher growth of return.
3. Premium Flexibility. Settle your contributions on a schedule that fits your lifestyle.
4. Withdrawal Advantage. Withdraw anytime without penalty.
5. Level Coverage Risk. Your savings is always added to your coverage (death benefit).
6. Emergency Fund Advantage. You already have savings in the first year.
7. Alternative Investment Flexibility. You are free to decide where to invest the difference.
8. Early Maturity. Maturity after 5/10/15/18 years.
9. Issue Age is 5 yo to 60 yo. Insure yourself and your whole family.
10. Address Various Financial Needs. Can be used for retirement, pension, education, travel, etc.
11. Convertible to Permanent Insurance. You have an option to a permanent policy.
12. Low Chance of Lapsation. Premiums may be settled from your PDF / investment earnings.
This Book Will Upgrade Your Financial Life!
I have read and agree to the terms & conditions.